Magkakapitbahay nag-outing: Mister nilamon ng ilog

Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang biktimang si Christopher Amar, 31, ng nasabing barangay.
File

CALAUAG, Quezon, Philippines — Napalitan ng trahedya ang masayang pagtatampisaw sa ilog ng grupo ng magkakapitbahay makaraang malunod ang isang mister kamakalawa ng hapon sa Barangay Sabang Dos.

Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang biktimang si Christopher Amar, 31, ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon ay nagkatuwaang maligo sa ilog na hindi kalayuan sa kanilang bahay ang biktima at misis nito pati na ang Ilan nilang kapitbahay.

Nang tumalon umano ang biktima sa malalim na parte ng ilog ay nakita pang pakawag-kawag at humihingi ng saklolo saka tuluyang lumubog sa tubig.

Nagtulung-tulong ang magkakapitbahay na hanapin ang biktima subalit hindi nila nakita at nang sumunod na araw na lamang nang lumutang ang bangkay nito sa ilog.

Show comments