^

Probinsiya

22 Navy officers lulan ng barko, may COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
22 Navy officers lulan ng barko, may COVID-19
Ayon kay City Mayor Alfredo Pablo Ortega, ang bilang ng bagong kaso ng mga sundalo ang pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw sa kanyang teritoryo.
STAR/KJ Rosales

TUGUEGARAO CITY, Cagayan Philippines — Nasa 22 na sundalo ng Philippine Navy na lulan ng isang barko ang nagpositibo sa COVID-19 kasunod ng isinaga­wang pagsusuri sa kanila ng health authorities habang nakahimpil sa Ernesto Ogbinar Naval Station sa Barangay Poro, San Fernando City,  La Union kahapon.

Ayon kay City Mayor Alfredo Pablo Ortega, ang bilang ng bagong kaso ng mga sundalo ang pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw sa kanyang teritoryo.

Dagdag ng alkalde, bagama’t hindi taga-La Union ay itinala pa rin sa probinsiya ang bagong kaso ng 22 Navy personnel dahil sa San Fernando City isinagawa ang pagsusuri sa kanila ng Regional Epidemio­logy and Surveillance Unit (RESU).

Ang barko ng Philippine Navy kung saan sakay ang mga nagpositibong sundalo ay pansamantalang dumaong sa La Union kahapon.

Ang mga nagpositibong sundalo ay nakatakdang ibiyahe sa isang pasilidad sa Metro Manila kung saan sila lalapatan ng kaukulang lunas.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with