Dolomite mining ops sa Cebu ipinatigil
Pinagmumulan ng ‘white sand’ sa Manila Bay
MANILA, Philippines — Ipinatigil ni Environment Secretary Roy Cimatu ang operasyon ng dalawang dolomite mining firms sa Alcoy, Cebu na pinagmumulan ng synthetic white sand na naging kontrobersyal para pagandahin ang Manila Bay.
Ayon kay Environment Usec. Benny Antiporda, ang hakbang ay ginawa ni Cimatu nang suriin ang dolomite mining operations sa Alcoy hinggil sa reklamong nakakasira ito ng kapaligiran.
“He immediately ordered the suspension of operation of Dolomite Mining Corp. and Philippine Mining Service Corp pending investigation on its operations’ environmental impact,” pahayag ni Antiporda.
Una nang nagpalaesist order ang Cebu Provincial Government laban sa dalawang kompanya dahil sa pagdadala ng mga crushed dolomite sa Manila Bay nang walang naisagawang public consultation.
Sa naipalabas na Executive Order No. 25, ang paghukay at pagkuha ng dolomite sa Alcoy ay makakasira sa kapaligiran ng Cebu island at paglabag sa constitutional right ng mga residente ng Cebu.
Inutos na ni Cimatu sa Region 7-Environmental Management Bureau na magsagawa ng water quality sampling malapit sa shiploading facility ng kumpanya at suriin ang ambient air quality.
Una nang sinabi ng mga eksperto na masama sa kalusugan ng tao na malanghap ang pulbos ng dolomite.
- Latest