Ginang tinanggihan ng ospital, napaanak sa kalye

KORONADAL CITY , Philippines —  Sa labas na lamang nanganak ang isang ginang matapos umanong tanggihan ng South Cotabato Provincial Hospital kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, sa tulong ng mga taong nasa paligid ng pagamutan, botika at mga babaeng sidewalk vendor, nailuwal ng ginang ng maayos ang kanyang malusog na anak.

Hindi tinanggap ang ginang sa provincial hospital dahil isinasagawa ang disinfection sa delivery room.

Sa ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang ina at ang kanyang malusog na anak. 

Show comments