7 lugar sa Baguio City mananatiling lockdown
BAGUIO, Philippines — Mananatiling naka-lockdown ang pitong lugar pa sa lungsod na ito.
Ito ang inilabas na update ng Baguio City Public Information Office kahapon ng umaga at kabilang sa mga lugar na naka-lockdown ay ang Balsigan Purok 2; Loakan Proper: Purok Magsaysay, at Purok Cudirao; Cabinet Hill; Teachers Camp: Purok 4, Lower Sto Rosario Valley: Purok 2;Upper Q.M.: Purok 2, Dahlia St. at Gladiolla Extension; Irisan: Purok 12 at Lourdes Subd. Extension: Purok 1, Lagoon Area
Mahigpit na ipinatutupad ang localized lockdown sa mga lugar sa Baguio City na mayroong pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kaya mahigpit pa rin ang isinasagawang inspeksyon ng mga awtoridad sa mga biyahero partikular sa mga turista.
- Latest