NORTH COTABATO , Philippines — Nagsimula ang aktibidad ng mga residente dakong alas-8:00 ng umaga sa national highway ng Barangay Kayaga sa Kabacan, Cotabato.
Ayon kay Bangsamoro Chairman Jabib Guiabar, ng local monitoring team at siyang tagapamahala ng pitong barangay, na isa rin sa mga layunin ng peace rally na maipakita ang kapatiran sa pagitan ng Kristiyano at Muslim sa pagkuha ng hustisya na tinawag nilang “Justice for the innocent 9 victims of USM-Massacre” at tiniyak na hindi ikakasira ito sa relasyon ng dalawang grupo at maging ang usaping pangkapayapaan.
Samantala, nasusunod naman ang minimum health protocols sa pag-iwas sa COVID-19 habang isinasagawa ang nasabing rally kahapon.