^

Probinsiya

Baguio City, Ilocos Region naghahanda na sa pagbubukas ng turismo sa Setyembre 21

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Nakipagkasundo na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa mga governors at kinatawan ng iba’t ibang probinsya at lungsod sa Ilocos Region sa pagpaplano at paggawa ng mga panuntunan at hakbang upang maiangat ng ekonomiya sa rehiyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng turismo.

Sa kanilang pag-uusap nitong Martes sa Baguio City’s 111th charter day rites, sinabi ni Magalong na target ng Baguio City na magbukas ang turismo para sa locals at mula sa Region 1 sa Setyembre 21.

Isang memorandum of understanding ang nilag­daan sa pagitan ng  Baguio City at mga opisyales ng Region 1 na tinawag na  “LUPISIN” o La Union, Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte kaugnay sa mga guidelines at measures na ipatutupad sa pagbubukas ng kanilang turismo.

Sinabi naman ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, nagsilbing guest speaker ng Baguio City’s charter day rites na mahigit 4-milyong mula sa sector ng tursimo ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. Aniya, ang pagbubukas sa industrya ng turismo ay matinding kailangan para sa ekonomiya pero dapat na ipatupad at iobserba ang mga protocols para sa kaligtasan ng lahat.

TURISMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with