^

Probinsiya

Tinamaan ng COVID-19 sa police station sa Tuguegarao, 6 na

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Tinamaan ng COVID-19 sa police station sa Tuguegarao, 6 na
Pinangangambahan na tataas pa ang bilang ng mga mahahawaan habang hinihintay ang resulta ng 42 organic police personnel sa lungsod na sumailalim sa pagsusuri sa COVID, ayon sa Provincial Health Office.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Umabot na sa limang pulis sa lungsod na ito ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na mahawaan ng kanilang kasamang ci­vilian employee habang kasalukuyang sumasailalim sa 2-linggong lockdown ang kanilang police station dito kahapon.

Pinangangambahan na tataas pa ang bilang ng mga mahahawaan habang hinihintay ang resulta ng 42 organic police personnel sa lungsod na sumailalim sa pagsusuri sa COVID, ayon sa Provincial Health Office. 

Mayroong 33 preso sa himpilan ang inoobserbahan din sa posibleng pagkakahawa.

Una rito,  nagkulong sa loob ng gusali ng istasyon ang hepe na si Lt. Colonel Jonalyn Tecbobolan at 23 niyang tauhan matapos magpositibo noong Agosto 17 ang kasamahan nilang non-uniformed personnel.

Ayon kay City Mayor Jefferson Soriano, hiniling na niya sa Provincial at Regional Inter Agency Task on COVID-19 na isailalim sa 10 araw na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang buong lungsod bunsod na pagtaas ng mga kaso.

Sa huling tala ng City Health Office, may 31 aktibong kaso ng COVID-19 habang 200 pa ang nakasalang sa monitoring matapos makasalamuha ang kawani at dalawa pang miyembro ng pamilya nito na kapwa positibo rin sa virus.

COVID-19

LOCKDOWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with