42 police trainees nagpositibo sa COVID-19

Ayon kay Calapan­ Mayor Arnan Panali­gan, sumailalim sa PCR testing­ ang mga police trainees sa Philippine Red Cross molecular laboratory sa Batangas City.
KJ Rosales, file

Calapan City balik MECQ

MANILA, Philippines — Balik sa modified en­hanced community qua­rantine (MECQ) ang Ca­­lapan City sa Oriental Min­doro matapos na mag­positibo rito ang 42 police trainees sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Calapan­ Mayor Arnan Panali­gan, sumailalim sa PCR testing­ ang mga police trainees sa Philippine Red Cross molecular laboratory sa Batangas City.

Nabatid na ang 42 pulis­ na nakalataga sa kabayanan ay nadagdag sa limang police trainees at officers na dinapuan ng COVID-19. Sila ay inilagay na sa City Treatment and Isolation Faci­lity sa City Hall Complex.

Sinabi ni Panaligan na hiniling nila sa Regional IATF sa pamamagitan ng tanggapan ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor­ na pansamantalang ila­gay ang Calapan City sa MECQ sa loob ng 14-araw simula ngayong Agosto 13. Nakatakda ring magsagawa ng con­tact tracing sa mga nakasa­lamuha ng mga police trainees.

Sakali aniya na magiging maayos ang resulta ng contact tracing at hindi na madaragdagan ang bilang ng mga COVID-19 cases, maa­aring paiksiin ang 14- day MECQ.

Ipinatutupad rin sa mga mamamayan ang ka­nilang iskedyul ng pa­mimili; paggamit ng quarantine passes; pagbabawal sa mass gathe­rings, meetings, events, assemblies at sports activities.

Show comments