Ospital sa Cavite ipinasara ni Remulla
70 frontliners inoobserbahan sa COVID-19
CAVITE, Philippines — Pansamantalang Ipinasara ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang malaking ospital sa lungsod ng Trece Martirez matapos na 70 frontliners dito ang “persons under investigation” (PUIs) at sumailalim sa quarantine dahil sa COVID-19.
Sa pahayag ni Remulla sa kaniyang Facebook page, ipinaliwanag nito sa mga Caviteño ang dahilan kung bakit kinailangan niyang pansamantalang ipasara ang Pagamutang Panlalawigan ng Cavite.
“Ang mga frontliners ang tunay na bayani sa laban na kinakaharap ng bansa dulot ng coronavirus disease (COVID-19), nitong Sabado ay kailangan ko pong isara ang ating Pagamutan Panlalawigan ng Cavite dahil halos 70 sa ating mga frontliners ay PUI. So far, wala naman malubha sa kanila ngunit sa mga panahon ngayon araw-araw na ang sugal-buhay na hinaharap nila ng buong tapang at sipag,” pahayag ni Remulla.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng kaukulang disinfection sa nasabing pagamutan at binigyan na ng kaukulang atensyon ang 70 PUIs.
- Latest