Kuya kinatay ng utol na senglot

COTABATO CITY , Philippines — Isang binata ang patay matapos na saksakin ng nakakabatang kapatid nang magtalo habang nag-iinuman sa Sitio Lahangkeb, Brgy. Rempes, Upi, Maguindnao kamakalawa.

Ang nasawi ay nakilalang si Jayson Anso Inara, 30- anyos habang ang suspek ay si Jay-ar, 27-anyos, kapwa binata at magsasaka ng nabanggit na lugar.

Ayon sa pinsan nilang si Rosalie, dati nang may hindi pagkakaintindihan ang magkapatid at dahil na rin sa impluwensiya ng nakakalasing na inumin ay mas lalo silang nagkapikunan hanggang sa humantong na sa ‘di inaasahang pananaksak dakong alas-12:00 ng tanghali.

Nadala pa sa Cotabato City Regional and Medical Center ang biktima subalit sa binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Show comments