Ilagan City, Isabela mayor COVID-19 positive, buong lungsod ECQ na
MANILA, Philippines (Updated, 6:41 p.m.) — Inilagay sa pinakastriktong lockdown sa Pilipinas ang Lungsod ng Ilagan sa Isabela, Huwebes, dahil sa patuloy na paglala ng pandemya roon.
Sa dami raw kasi ng bilang ng mga coronavirus disease (COVID-19) patients doon, maging si Ilagan City Mayor Josemarie Diaz ay nagpositibo na rin.
"Marami sa bilang na ito ay mula sa mga Locally Stranded Individuals na galing sa Metro Manila at sa iba pang mga lugar na maraming kaso ng nasabing sakit," sabi ni Diaz sa isang pahayag, habang sinasabi na overseas Filipino workers naman ang ilang COVID-19 positive.
"[N]itong araw na ito, ibilang na rin po ninyo ang inyong abang lingkod sa mga nagpositibo at naging biktima ng COVID-19 na ito."
Narito po ang Opisyal na Pahayag ni Mayor Jay L. Diaz ngayong Araw, Agosto 6, 2020 para po sa kaalaman ng lahat. #CityofIlagan #WeHealAsOne
Posted by MyCity Ilagan on Thursday, August 6, 2020
Sa kabila niyan, tiniyak naman ni ni Diaz na mabuti ang kanyang kalaghayan at malakas ang pangangatawan.
Kaugnay ng pihit ng medical situation doon, isinailalim sa pinamakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Ilagan City, mula ika-6 hanggang ika-12 ng Agosto.
"I, JOSEMARIA L. DIAZ, City Mayor of the City of Ilagan... do hereby order the declaration of Enhanced Community Quarantine (ECQ) in the entire City of Ilagan, Isabela August 06 to August 12, 2020 due to local transmission of COVID-19 that affects the entire operation of the City Government of Ilagan, including a significant number of the population to be affected by the conduct of the city-wide contact tracing," sabi ni Diaz sa hiwalay na statement.
"The guidelines under the [ECQ] pursuant to the Omnibus Guidelines in the Implementation of Community Quarantine, as amended, are hereby enforced."
Magtatayo ngayon ng "working structure" sa pamamagitan ng skeletal workforce and LGU at work from home arrangement bilang tugon sa mga pangyayari.
Basahin: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference
Kasalukuyan naman nasa modified ECQ (MECQ) ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan — na ikalawa sa pinakamahigpit na quarantine classification sa bansa kontra COVID-19.
Umabot na sa 119,460 ang kaso ng nakamamatay na virus sa bansa, bagay na pinakamarami na sa Southeast Asia matapos maungusan ang Indonesia na may 118,753 lang. — James Relativo
- Latest