^

Probinsiya

Pulis pinuri, tuition fee ng stude na sinita sa checkpoint binayaran

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pulis pinuri, tuition fee ng stude na sinita sa checkpoint binayaran
Ayon kay Eunie Subaran, “blessing in disguise” ang pagkakahuli sa kanila ni Police Master Sergeant John Hay Valdez Macapulay ng Gerona Police sa isang COVID-19 checkpoint.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hulog ng langit para sa isang Grade-12 student ang pagkakasita sa kanila sa checkpoint ng isang natatanging pulis na itinuturing nila ngayong bayani matapos na magsilbing daan upang maka-graduate ang una sa Gerona, Tarlac.

Ayon kay Eunie Subaran, “blessing in disguise” ang pagkakahuli sa kanila ni Police Master Sergeant John Hay Valdez Macapulay ng Gerona Police sa isang COVID-19 checkpoint.

Nabatid na hinarang ni Macapulay si Subaran kasama ang kanyang angkas na kapatid na bukod sa kapwa menor-de-edad ay wala rin silang suot na helmet at lisensya.

Nagmakaawa si Subaran na sinabing pupunta lang siya sa kanyang paaralan para saksihan ang graduation ng kanyang mga kaklase. Sinabi nito kay Macapulay na hindi siya makakasama sa mga magsisipagtapos dahil may natitira pa siyang bayarin sa eskuwelahan.

Sa halip na tiketan, sinamahan na lang mismo ni Macapulay si Subaran sa paaralan at binayaran ang utang na P4,000 ng estudyante. Naka-graduate si Subaran na may kasama pang honors.

“Kung tutuusin po, disgrasya po talaga ‘yung nangyari pero napakabait po talaga niya. Imbes na kami po ‘yung maglabas talaga ng pera, siya pa po ‘yung tumulong sa amin,” ani Subaran.

GOOD SAMARITAN

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with