Lockdown ipinatupad sa Baguio City
Kaso ng COVID pumalo na sa 100
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nagpatupad ng lockdown sa mga barangay sa Baguio City matapos na umabot na sa 100 ang kaso ng COVID-19 nang dumagdag sa bilang ang dalawang dumating na babae na edad 59 at 57 sa lungsod kahapon.
Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na mistulang nasa “second wave” na ang mga insidente ng mga tinatamaan sa kanyang teritoryo kung kaya’t muli nitong ibinalik ang liquor ban, ang two-days market schedule at lockdown tuwing araw ng Linggo sa mahigit 25 apektadong barangay.
Sa 100 na kaso sa lungsod, 47 ang aktibo, 51 na ang nakarekober habang dalawa ang nasawi.
Pinawi naman ng City Health Office ang pangamba ng mga residente at sinabing inaasahan na nila ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod nitong Hulyo.
Gayunman, sinabi ng naturang tanggapan na nakahanda silang harapin ang mga darating pang kaso bunsod ng pagdagsa pa ng mga umuuwing residente mula sa ibang bansa at ibang rehiyon.
Related video:
- Latest