Lineman kisay sa kuryente

BANASILAN, North Cotabato, Philippines – Isang lineman ng isang electric cooperative ang nasawi matapos makuryente habang nagsasagawa ng maintenance activity sa liblib na lugar dito sa bayan kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez ang nasawi na si Ramel Gelilang, maintenance lineman ng bayan at nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga habang abala ang biktima at inaayos ang kuryente nang hindi nito namalayan na naka-on ang isang phase na kanyangginagawa kaya bigla siyang nakurenyte.

Dahil sa lakas ng boltahe na tumama sa biktima ay nalapnos ang katawan nito na tila nasunog.

Dahil nasa liblib na lugar kaya hindi agad na nadala sa ospital ang biktima subalit sinikap siyang dalhin ng mga kasamahan sa kabilang probinsya pero idineklara na  dead-on-arrival sa Wao Emergency Hospital sa Bukidnon.

Show comments