Trabahador nahulog habang nagkakabit ng kable, patay
CAVITE, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 30-anyos na kawani matapos na mahulog mula sa ikalawang palapag ng bodega habang nagkakabit ng kable, kamakalawa ng hapon sa Kawit, Cavite.
Ang nasawi ay kinilalang si Fernan Botolan Aguinaldo, stay-in worker sa First Orient, Covelandia ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:50 ng hapon kasalukuyang nagkakabit ng cable wire ang biktima sa kisame ng room 203 ng warehouse 30 nang aksidente itong mahulog na una ang ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
- Latest