Mister pinugutan, pinagtataga sa Isabela

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 53-anyos na mister na pinugutan saka inatado ng taga ang katawan sa Barangay San Jose, San Mariano, Isabela kamakalawa.

Sa report ng Pulisya, nagsimula nang mangamoy at maagnas ang gutay na katawan ni Carlos Zalun nang madatnan ng kanyang kasamahan na umuwi mula sa kabayanan upang mamili ng pagkain at probisyon.

Inaalam sa imbestigasyon kung pangangahoy ang aktibidad ng biktima sa kagubatan na nasa paanan ng bundok Sierra Madre.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga imbes­tigador sa krimen ay ang posibleng kinasangkutan ng biktima sa pakikipagtatalo sa laklakan hanggang sa matagpuang patay sa lugar.

Show comments