MANILA, Philippines — Tumaas na sa 10 katao ang nag-positibo sa COVID-19 sa Kamara matapos na isa pang staff ng Kongresista ang magpositibo sa nasabing virus.
Kinumpirma ni House Secretary General Atty Jose Luis Montales na ang nasabing staff ay huling nagreport sa trabaho sa Kamara noong Mayo 21.
Sa buwang kasalukuyan, ay tatlong staff ng Kamara ang nagpositibo sa COVID.
Magugunita na noong Marso bago nag-break ang Kamara ay dalawang staff ng Printing Service na kabilang sa tinamaan ng COVID-19 ang nasawi sa nakamamatay at nakahahawang virus.