^

Probinsiya

Nag-enroll na mga mag-aaral sa Bicol, 50 porsyento pa lang

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Nag-enroll na mga mag-aaral sa Bicol, 50 porsyento pa lang
Ayon kay Kevin Arroco, information officer ng DepEd-Bicol, sa tala nila nitong Hunyo 27 ay nasa 911,286 na bilang ng mga mag-aaral pa lang ang nagpalista kung saan 873,481 dito ay sa public school at 37,805 sa private school sa buong rehiyon.
STAR/Michael Varcas, file

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  - Dalawang araw na lang bago matapos ang enrollment period pero halos nasa 50.62 porsyento pa lamang ang bilang ng mga nagpalistang mag-aaral sa Bicol na malayo sa target na bilang ng magpapa-enroll na inaasahan ng Department of Education (DepEd) sa rehiyon para sa School Year 2020-2021.

Ayon kay Kevin Arroco, information officer ng DepEd-Bicol, sa tala nila nitong Hunyo 27 ay nasa 911,286 na bilang ng mga mag-aaral pa lang ang nagpalista kung saan 873,481 dito ay sa public school at 37,805 sa private school sa buong rehiyon.

Nabatid na kalahati lang sa nasabing bilang sa target ng DepEd na enrollees o 1.8-milyong mag-aaral para sa darating na pasukan.

Mula sa nasabing bilang, nasa 420,610 ang nagpa-enroll sa elementarya; 296,792 sa junior high school; 125,816 sa senior high school; 54,616 sa kindergarten; 9,323 alternative learning system at 4,129 learner with disabilities o non-graded.

Sinabi ni Arroco na nitong nakalipas na school year 2019-2020 sa panahong wala pang pandemic crisis ay umabot sa 1.7 milyon ang mag-aaral sa buong Kabikolan.

Ayon sa opisyal, umaasa silang tataas pa ang bilang ng mga magi-enroll sa buong rehiyon dahil ginawa na nila ang enrollment sa pamamagitan ng paghulog na lamang ng lista sa dropbox at sa mga inilatag na enrollment kiosk hanggang bukas, Hunyo 30.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with