^

Probinsiya

Vendor patay sa COVID, public market ipinasara

Garry Bernardo - Pilipino Star Ngayon
Vendor patay sa COVID, public market ipinasara
Sa ulat sinabi ni Dr. Froilan Canlas, officer-in-charge ng Rafael Lazatin Memorial Medical Center (RLMMC), isang 21- anyos na vendor na taga-Brgy. Pampang ang tinamaan ng COVID-19 at nasawi nitong Martes.
STAR/File

ANGELES CITY, Philippines — Iniutos ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. ang pansa­mantalang pagpapasara ng Pampang Public Market sa lungsod kahapon ng tanghali matapos na isang vendor dito ang nagpositibo at namatay sa COVID-19.

Sa ulat sinabi ni Dr. Froilan Canlas, officer-in-charge ng Rafael Lazatin Memorial Medical Center (RLMMC), isang 21- anyos na vendor na taga-Brgy. Pampang ang tinamaan ng COVID-19 at nasawi nitong Martes.

Sinasabing na-confine ang nasawi noong Hunyo 22 dahil sa sakit na diabetes lamang, na nagpapakita ng sintomas ng nakamamatay na virus, at agad na sinuri ang pasyente at nakumpirmang positibo sa coronavirus.

Ipinag-utos na rin ng alkalde na lahat ng stall owners at vendors na sumailalim sa rapid testing at isasagawa ang disinfection sa buong pasilidad ng pamilihan habang naka-qua­rantine na ang pamilya ng nasawi. Nagsasagawa na rin ng contact tra­cing ang mga otoridad sa mga nakasalamuha nito.

Dagdag pa ng alkalde, maaari namang mamili sa San Nicolas Public Market ang mga taga-Angeles ngunit hindi maaaring magbenta ang vendors ng Pampang market. Agad aniyang maibabalik ang operasyon ng pamilihang bayan sakaling masunod na lahat ang safety protocols.

Sa tala, nagkaroon ng 29 na kumpirmadong COVID-19 cases sa lungsod, 23 dito ang nakarekober at apat ang namatay.

PATAY

VENDOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with