Mag-utol hulog sa bangka, nalunod

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  — Patay ang magkapatid na bata nang malunod sa ilog matapos mawalan ng panimbang at mahulog sa sinasakyan nilang bangka sa Brgy. Babayuan, Amulung, Cagayan noong Lunes.

Ayon kay Major Edgar Manuel, hepe ng Amulung Police Station, kasamang namangka ng magkapatid na sina John Llyod, 9, at Kate Alipio, 11, ang kanilang kuya upang kumuha ng tulya dakong alas-4:00 ng hapon nang biglang mawalan­ ng panimbang ang dalawa sa sinasakyang bangka hanggang sa mahulog sa tubig.

Ayon sa report, nabigong masagip ng kuya ang dalawang kapatid na kusang lumutang sa tubig na wala nang buhay kinabukasan.

Show comments