Bomber sa Sultan Kudarat timbog
NORTH COTABATO, Philippines — Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang isang kilabot na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF na isang “bomber” matapos na maaresto sa bisa ng warrant of arrest sa National Highway sa Ampatuan, Maguindanao, iniulat kahapon.
Kinilala ang suspek na si Momong Ismael, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Sa ulat ng Ampatuan Police, nadakip ang suspek alas-8:00 ng umaga sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Special Action Force, Sultan Kudarat Provincial Intelligence, Maguindanao Provincial Intelligence Unit, Regional Highway Patrol Unit 12, Ampatuan Police at militar.
Si Ismael ay nahaharap sa limang kaso ng complex crime of murder at maraming kaso ng multiple frustrated murder.
- Latest