^

Probinsiya

Kuya kinatay ni bunso ng balisong

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang kuya matapos saksakin ng balisong ng kanyang nakababatang kapatid nang magkapikunan ang dalawa na nauwi sa patayan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Alapan 1-A Imus City.

Dead-on-the-spot sanhi ng matinding tama ng saksak sa tiyan ang biktimang nakilalang si Jessieco Arsolon, 31-anyos, may asawa, vendor at residente ng # 238 Brgy. Alapan 1-A, Imus City, Cavite

Arestado naman ang suspek na si Cristian Arsolon, 23 anyos, walang trabaho at residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Jessie Villa­nueva, alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente kung saan kapwa nasa loob ng kanilang bahay ang magkapatid at nagtalo sa hindi mabatid na dahilan.

Dahil dito, naburyong ang nakababatang kapatid hinggil sa pambubul­yaw ng kanyang kuya kung kaya kinuha nito ang kanyang nakatagong ba­lisong saka inundayan ng saksak sa tiyan ang huli.

Nagtangka pang tumakas ang suspek matapos ang pananaksak na agad ding nadakip ng mga rumespondeng pulis.

BALISONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with