Batangas drug bust: 3 ‘tulak’ bulagta

Sa report sa Camp Crame, dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na ele­mento ng Calaca Police, Dasmariñas City Police at PDEA sa Sitio Matala, Brgy. Cahil, Calaca, Batangas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sabay-sabay bumulagta ang tatlong hinihinalang drug pusher makaraang manlaban umano sa mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Calaca, Batangas.

Isa sa nasawi ay na­ki­lalang si Paolo Jhonnel Camantique habang ina­alam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawa pang suspek.

Sa report sa Camp Crame, dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na ele­mento ng Calaca Police, Dasmariñas City Police at PDEA sa Sitio Matala, Brgy. Cahil, Calaca, Batangas.

Nakatunog ang mga suspek na ito ay isang entrapment operation matapos na maiabot ang droga sa isang agent na nagpanggap na buyer. Dahil dito, bumunot ng baril ang mga suspek at pinaputukan ang mga ope­ratiba sanhi ng shootout hanggang sa tumimbuwang ang tatlo.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang tatlong baril ng mag suspek, isang granada, ‘di pa tinukoy na rami ng shabu, marked money at isang Mitsubishi Montero na may plakang AAP 4056 na ginagamit sa transakyon ng mga suspek.

Show comments