Ika-29 anibersaryo ng pagputok ng Mt. Pinatubo, gugunitain
PAMPANGA , Philippines – Nakatakdang gunitain ng lalawigan ng Pampanga ang ika-29 anibersaryo ng pagputok ng bulkang Pinatubo na idineklara na rin ng Palasyo ng Malacañang na special non-working holiday sa Lunes sa Angeles City.
Layunin ng paggunita na kilalanin ang abilidad ng mga Kapampangan na bumangon mula sa trahedya at isaisip ang mga aral na natutunan ng mamamayan mula rito.
Naganap ang climatic explosion ng Mount Pinatubo noong Hunyo 15, 1991. Ito ang kinikilala bilang ikalawang pinakamalaking volcanic eruption ng ika-20 siglo.
Ang mga ashfall nito ay umabot hanggang sa Indian Ocean, ang napapanahong pagtaya ng mga siyentipiko ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology at US Geological Survey ang naging dahilan kung bakit agad na nakalikas ang mga residenteng nakatira malapit sa bulkan.
- Latest