NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki nang mahulog sa puno ng rambutan sa Parang, Maguindanao, Martes ng umaga.
Naisugod pa umano sa ospital ang batang si Jay-Jay na isang Grade-5 pupil pero binawian ito ng buhay habang ginagamot, pasado alas-6:00 ng umaga.
Nangunguha umano ng bunga ng rambutan nang madulas ito at nahulog sa puno. Nabagok ang ulo ng bata na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.