MANILA, Philippines — Habang nagkukumahog sa takot ang malaking panig ng Pilipinas dahil sa coronavirus disease (COVID-19), pinerwisyo naman ng isang magnitude 5 ang Kabisayaan, Miyerkules.
Bandang 9:07 a.m. nang maitala ang pagyugyog sa epicenter ng Basey, Samar kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Umabot nang hanggang Intensity IV (moderately strong) ang lindol sa Basey at Sta. Rita sa probinsya ng Samar at Lungsod ng Tacloban.
Nakaranas naman ng Intensity III (weak) ang:
Samar
- Catbalogan
Leyte
- Barugo
- Palo
- Pastrana
Eastern Samar
- Lawaan
Intensity II (slightly felt) naman ang lindol sa:
Leyte
- Abuyog
- Capoocan
- Carigara
- Dagami
- Dulag
- Jaro
- Javier
- Tabontabon
Eastern Samar
- Borongan City
- General MacArthur
- Maydolong
Sinasabing tectonic, o biglaang paggalaw sa mga faults at plate boundaries, ang pinagmulan ng lindol.
Bagama't hindi pa inaasahan ang mga pinsala, inaabangan ngayon ng Phivolcs ang mga posibleng aftershock, na kasunod na pag-uga ng lupa (aftershocks) sa mga susunod na oras. —James Relativo