^

Probinsiya

Magnitude 5 na lindol binulabog ang Samar

James Relativo - Philstar.com
Magnitude 5 na lindol binulabog ang Samar
Satellite image ng Basey, Samar
Imahe mula sa Google Maps

MANILA, Philippines — Habang nagkukumahog sa takot ang malaking panig ng Pilipinas dahil sa coronavirus disease (COVID-19), pinerwisyo naman ng isang magnitude 5 ang Kabisayaan, Miyerkules.

Bandang 9:07 a.m. nang maitala ang pagyugyog sa epicenter ng Basey, Samar kanina, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Umabot nang hanggang Intensity IV (moderately strong) ang lindol sa Basey at Sta. Rita sa probinsya ng Samar at Lungsod ng Tacloban.

Nakaranas naman ng Intensity III (weak) ang:

Samar

  • Catbalogan

Leyte

  • Barugo
  • Palo
  • Pastrana

Eastern Samar

  • Lawaan

Intensity II (slightly felt) naman ang lindol sa:

Leyte

  • Abuyog
  • Capoocan
  • Carigara
  • Dagami
  • Dulag
  • Jaro
  • Javier
  • Tabontabon

Eastern Samar

  • Borongan City
  • General MacArthur
  • Maydolong

Sinasabing tectonic, o biglaang paggalaw sa mga faults at plate boundaries, ang pinagmulan ng lindol.

Bagama't hindi pa inaasahan ang mga pinsala, inaabangan ngayon ng Phivolcs ang mga posibleng aftershock, na kasunod na pag-uga ng lupa (aftershocks) sa mga susunod na oras. —James Relativo

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

SAMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with