Pasahod sa JOs, tiniyak sa Bulacan
MALOLOS CITY, Philippines — Sasahod pa rin ang mga empleyadong job orders o JOs at kontraktuwal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ngayong nakapailalim ang buong Luzon sa enhanced community qua-rantine upang sugpuin ang coronavirus disease o COVID-19.
Iyan ang tiniyak ni Gobernador Daniel Fernando sa dagliang pulong ng Inter-Agency Committee for Response on COVID-19.
Sinabi ni Obet Sa-guinsin, hepe ng Provincial Human Resource Management Office, mahigit 600 ang JOs at kontraktuwal sa pamahala-an panlalawigan habang nasa mahigit 1,500 ang regular na empleyado.
Ipinaliwanag niya na JOs ang klasipikasyon kapag ito ay skilled jobs gaya ng gardener, driver, janitor o ‘yong ibang nasa general services at kontraktuwal sa mga propesyunal gaya ng doktor, nars at iba pang gaya nito.
Para naman sa mga empleyado ng Kapitolyo sa sektor ng kalusugan gaya ng mga nasa Bulacan Medical Center o BMC at mga district hospitals, sinagot na rin ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang araw-araw na suplay ng pagkain habang naka-duty.
- Latest