^

Probinsiya

OFW positibo sa COVID-19 sa Abra

Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
OFW positibo sa COVID-19 sa Abra
Ayon kay Bernos, ang pasyente ay isang OFW na dumating sa Manabo noong Marso 8 mula sa United Arab Emirates.
AFP/Anthony WALLACE

TUGUEGARAO CITY ,Philippines —  Kinumpirma ni Abra Go-vernor Joy Bernos ang kauna-unahang positibong kaso ng COVID-19 sa Cordillera sa kanyang teritoryo sa isinagawang pagpupulong sa kabisera ng Bangued kahapon.

Ayon kay Bernos, ang pasyente ay isang OFW na dumating sa Manabo noong Marso 8 mula sa United Arab Emirates.

Sinabi ni Bernos na ilan sa mga dinaluhan ng tinukoy na OFW ay ang pagdaraos ng grand parade sa Kawayan Festival sa Bangued nitong buwan at binisita pa nito ang inang nakaratay sa isang Hospital sa La Union nitong Marso 10.

Nitong Biyernes lamang ay namasyal ang OFW sa Barangay Naguilian at Supusup sa bayan ng Sallapadan at dumalo ng libing ng patay sa Barangay Tu-malip, Licuan-Baay, Abra.

Bunga ng mga pangyayari, isinailalim ng go­bernador sa community quarantine ang inuwian ng OFW na lugar sa Bara-ngay Katakdegan Nuevo, Manabo habang inum-pisahan nang tukuyin ng Health Authorities ang mga nakasalamuha nito sa ibang lugar.

JOY BERNOS

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with