NEGROS OCCIDENTAL, Philippines — Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa “Alert Level 1” status ang Bulkang Kanlaron sa Negros Oriental dahil sa patuloy na pagiging abnormal ng kondisyon at mga aktibidad nito kahapon.
Dahil dito, pinayuhan ng Phivolcs ang publiko at ang lokal na pamahalaan doon na matamang maipatupad ang 4-kilometer radius permanent danger zone upang makaiwas sa epekto ng posibleng pagsabog ng bulkan.
Hiniling din ng Phivolcs sa civil aviation authorities na huwag palalapitin sa bunganga ng bulkan ang alinmang sasakyang panghimpapawid dahil ito ay mapanganib.
“The increased seismic activity could be succeeded by steam-driven or phreatic eruptions at the summit crater, despite the absence of visible degassing or steaming from the active vent this year,” ayon sa Phivolcs.
Mula noong Marso 9, ang Kanlaon Volcano’s seismic monitoring network ay nakapagtala ng kabuuang 80 volcanic earthquake kasama na ang 77 low frequency events na may kasamang magmatic fluids sa may paanan ng bulkan.