TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Muling isinara ng lokal na pamahalaan ang aktibidad ng turismo sa Sagada, Mountain Province kasunod ng umiigting na banta ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Sa ipinalabas na Executive Order No. 14 ni Mayor James Pooten Jr. kahapon, bukod sa pagpigil sa tourist activities ay hinigpitan na rin ng pamunuan ng Sagada ang mga pagdaraos ng bukluran ng maraming tao tulad ng graduation at moving up ceremonies sa mababang paaralan.
Kung kinakailangan ani Pooten, hindi hihigit sa limang oras ang pagsasagawa ng mga seremonya sa pagtatapos upang hindi masadlak sa nakakahawang virus ang maraming tao lalo na ang mga estudyante. Matatandaan na unang isinailalim sa tourist lockdown ang Sagada noong Peb.6 at itinaas muli ang ban noong Peb. 22.