^

Probinsiya

Panagbenga tuluyan nang kinansela

Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Panagbenga tuluyan nang kinansela
Pinangunahan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong (kanan) ang pagpupulong ng inter-agency task force laban sa COVID-19 at inirekomenda ang tuluyang kanselasyon ng Panagbenga Festival kahapon.
Andy Zapata

Sa takot ng mga residente sa coronavirus

BAGUIO CITY, Philippines — Tuluyan nang kinanse­la kahapon ng hapon ng Baguio City govern­ment ang taunang Flower Festival na “Panagbenga” na dinaragsa ng libu-libong bisita matapos ang closed-door meeting ng “inter-agency task force on the coronavirus disease 2019 (COVID-19)” kasama si City Mayor Benjamin Magalong.

Ang inter-agency task force ay binubuo ng mga opisyal ng Baguio City Government sa pangunguna ni Magalong, Baguio Flower Festival Foundation Inc.(BFFFI), Department of Health (DOH) Cordillera, Department of Education (DepEd) Cordillera, Baguio City Police Office at iba pang ahensya ng pamahalaan at mga indibiduwal.

 Nagpulong ang task force kahapon ng umaga sa may DOH Cordillera Training Center upang i-asses ang kasalukuyang sitwasyon at kaganapan sa COVID-19 sa bansa matapos umakyat sa 10 ang positibo sa virus.

Inirekomenda sa pulong ng Office of the City Mayor, mga opisyal ng BFFFI at executive committee ng Panagbenga 2020 ang kanselasyon ng festival upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko kasunod na rin ng kahilingan ng mga residente sa lokal na pamahalaan ng Baguio at mga organizers ng Panagbenga na huwag nang ituloy ito dahil sa takot sa pagkalat ng virus.

Ang opening parade ng Panagbenga ay nakatakda sana sa Marso 21, at ang Grand Street Dancing at Grand Float Parade ay sa Marso 28 at 29, 2020 matapos ma-reschedule kamakailan.

 Inianunsyo rin ni Magalong na suspindido ang operasyon ng Baguio City Night Market na mas kilalang “Ukay-ukay Night Market” ng 14-araw na dinaragsa rin ng libu-libong bisita sa Harrison Road ng lungsod. Kanselado rin ang iba pang crowd drawing activities sa lungsod gaya ng pagdaraos ng CARAA 2020 athletic meet at Sunday Pedestrianization.

vuukle comment

COVID-19

PANAGBENGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with