14 baboy, mga karne nasabat sa checkpoint sa Ilocos Sur

Sa gitna ng African swine fever (ASF) na kumakalat sa mga alagang baboy ay makikita naman ang isang baboy ramo na umano’y ASF free na nakikipaglaro sa dalawang paslit sa Wagufi Village, Brgy. Commonal, Solano, Nueva Vizcaya. Ang dating mailap na hayop na kumakain lamang ng mga damo at prutas ay sinasabing malakas ang resistensya kontra ASF.
Victor Martin

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines - Sa gitna ng muling pagtama ng African Swine Fever (ASF) virus sa mga livestock growers sa bansa, 14 na baboy at dalawang plastic containers ng pork meat na pinaniniwalaang mula sa Bulacan ang nasabat ng mga awtoridad sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Ayusan Norte, Vigan City, Ilocos Sur kahapon.

Sa report ni Major Winnie De Vera, tagapagsalita ng Ilocos Sur Police Office, walang naipakitang dokumento sa pagbiyahe ng karneng baboy ang drayber ng trak na si Edgar dela Cruz, 49, na taga-Brgy. San Julian Sur, Vigan City.

Bukod kay Dela Cruz ay isinailalim sa kustodya ng pulisya ang dalawa nitong alalay na sina Mark Bryan Piedad, 18, at Rafael Santos, 21; pawang taga-San Ildefonso, Bulacan gayundin ang kanilang trak at kargada.

Show comments