^

Probinsiya

Bangka hinagisan ng dinamita, 3 gutay!

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bangka hinagisan ng dinamita, 3 gutay!
Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Arthur Villareal, binata; Lito Salvana at Rosel Reyes; pawang nasa hustong gulang habang masuwerteng nakaligtas ang dalawa pang mangingisda na sina Jomar Dela Cruz, 32, at Noli Almoguera, 35: kapwa ng Brgy. Panubigan ng bayang ito.
STAR/ File

MASBATE, Philippines — Tatlong mangingisda ang patay habang dalawa ang nakaligtas makaraang hagisan ng dinamita ang sinasakyan nilang bangkang de motor ng hindi pa kilalang kalalakihan habang nangingisda sa karagatang sakop ng Balud, Masbate nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Arthur Villareal, binata; Lito Salvana at Rosel Reyes; pawang nasa hustong gulang habang masuwerteng nakaligtas ang  dalawa pang mangingisda na  sina Jomar Dela Cruz, 32, at Noli Almoguera, 35: kapwa ng Brgy. Panubigan ng bayang ito.

Sa inisyal na report ng Police Regional Office (PRO)-5, dakong alas-9 ng gabi kasalukuyang nakasakay sa kanilang bangkang de-motor ang mga biktima na abala sa pamamalakaya sa lugar nang biglang dumating ang mga suspek lulan din ng bangkang de-motor. Gayunman, sa hindi pa malamang dahilan ay bigla na lamang hinagisan ng dinamita ng mga suspek ang bangkang sinasakyan ng mga biktima.

Bunga nito, sumambulat ang bangka at napuruhan ang tatlong mangingisda na agarang nasawi sa insidente matapos na magtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang himalang hindi nahagip ng pagsabog ang dalawang kasamahan.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas palayo sa lugar sa takot na maabutan ng paparating na mga elemento ng Bantay Dagat.

ARTHUR VILLAREAL

LITO SALVANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with