TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isa pang dinarayong bayan sa Cordillera ang isinara sa eco-tourism upang maiwasan ang pagkalat dito ng coronavirus disease (Covid-19) na ikinamatay ng mahigit isanlibong tao at nakahawa sa hindi bababa sa 40,000 pang iba sa buong daigdig.
Sa Executive order na ipinalabas kahapon (Huwebes) ni Mayor James Pooten Jr., tanging mga pampublikong lugar at aktibidad lamang ang ipinagbabawal niya sa kanyang teritoryo sa Sagada, Mountain Province.
Ito ay gaya ng mga pamosong burial caves, hanging coffins, mga kuweba, waterfalls at mga trail and mountain climbing activities.
Gayunman, hindi sakop ng order ni Pooten ang mga pribadong aktibidad at lugar gaya ng Sunrise View Hotel, Isang Wow Sunrise Viewdeck, Paog’s Sunset Viewdeck, Sagada Pottery, Sagada Wea-ving at ang Masferre’s Photographs exhibits.
Ayon kay Pooten, mananagot sa kanyang opisina ang sinomang lalabag sa kautusan.
Ang Sagada ay ikapitong bayan sa Cordillera na naghigpit sa pagpasok ng mga dayuhan mula nang maghasik ng lagim ang virus noong nakaraang buwan.
Nauna ang Tingla-yan, Pasil at Balbalan sa Kalinga at La Trinidad, Atok at Kibungan na-man sa Benguet.