^

Probinsiya

9 bagong PUI, ipinasok sa isolation

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
9 bagong PUI, ipinasok sa isolation
Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, hepe ng CVMC; dalawang taga-lungsod na ito at isang taga-bayan ng Enrile na bumuti na ang kalagayan ang inirekomenda niyang ma-discharge
The STAR/Edd Gumban

3 negatibo sa nCoV sa Cagayan Valley 

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines  - Tatlong persons under investigation (PUI) na nakaranas ng sintomas ng trangkaso ang pinalabas na sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) dito matapos magnegatibo sa nakamamatay na novel coronavirus (nCoV) su­balit 9 pang bagong pasyente ang pumalit sa kanila noong Sabado.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, hepe ng CVMC; dalawang taga-lungsod na ito at isang taga-bayan ng Enrile na bumuti na ang kalagayan ang inirekomenda niyang ma-discharge.

Isa pang PUI ang nananatili sa Southern Isabela Medical Center na Santiago City, batay sa pahayag ng Department of Health-Region 2.

Sa nasabing bilang na bagong kaso, nabatid na lima dito ang isinugod sa CVMC noong Sabado matapos makaranas ng lagnat at pag-ubo, dalawa sa kanila ay bata mula sa bayan ng Sanchez, habang ang iba ay tig-isa mula sa mga bayan ng Tuao, Sto. Niño, Gattaran at Iguig.

Hindi na idinetalye ni Baggao ang travel history ng mga bagong PUI na sa ngayon ay lumobo na sa 9 na nasa kanyang panga­ngalaga.

CVMC

GLENN MATHEW BAGGAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with