2 top most wanted, 4 pa huli
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Dalawang tinaguriang top most wanted habang apat na iba pa ang inaresto ng mga operatiba ng Valley cops sa magkakahiwalay na operasyon sa Cagayan Valley, inulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni P/Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng police regional office-02, ang dalawang top most wanted na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na sina Rufino Matibla, 57, Top 4 Municipal Level, residente ng Brgy. Wigan, Cordon, Isabela dahil sa kasong Rape at Jerry Boy Macalla, Top 3 Municipal Level, ng Brgy. Palabotan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya dahil sa paglabag sa R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Law).
Ang iba pang dinakip na wanted ay sina Visitacion Lucas Villatoza, 46, isang guro, sa kasong Estafa at Falsification of Public Documents; Steven Batang, 18, ng Macanaya, Aparri, Cagayan sa kasong Frustrated Homicide; Wilfredo Tamang, 73, ng Barangay Lanna, Tumauini, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries at Ernesto Marcos, 62, ng Brgy. Ineangan, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya dahil sa paglabag sa R.A. 7610.
Ayon naman kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, Cagayan Valley regional police director, ang patuloy na pagtugis sa mga wanted sa rehiyon ay bahagi ng mas pinaigting na “Manhunt Charlie” ng PNP.
- Latest