^

Probinsiya

Shabu tiangge ni-raid: 63 sachet ng shabu itinapon sa inidoro

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Shabu tiangge ni-raid: 63 sachet ng shabu itinapon sa inidoro
Gayunman, nasamsam sa bahay nina Franz, 26-an­yos, at kuyang si Hanz Christian de Gracia, 28, ang sari-saring drug paraphernalia kung kaya sinampahan pa rin sila ng kasong paglabag sa anti-illegal drugs law.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Mabilis na naitapon ng isang mag-utol ang laman na shabu ng 63 plastic sachet nang salakayin ng mga awtoridad ang kanilang umano’y tiangge ng droga sa Brgy. Smart, Gonzaga,  Cagayan noong Biyernes.

Gayunman, nasamsam sa bahay nina Franz, 26-an­yos, at kuyang si Hanz Christian de Gracia, 28, ang sari-saring drug paraphernalia kung kaya sinampahan pa rin sila ng kasong paglabag sa anti-illegal drugs law.

Nabatid na natunugan ng mag-utol ang paparating na raiding team kaya’t pinaniniwalaang mabilis nilang nai-flush sa inidoro ang laman ng 63 sachets ng shabu.

Ayon kay P/Staff Sergeant Bernabe Dayag Jr., isasailalim pa sa crime laboratory ang mga basyong sachets na may shabu residue na maaaring magpabigat pa sa kasong pagtutulak ng mag-utol.

Ayon kay Dayag, uma­ming tulak ang nakatatandang De Gracia nang sumaw­saw ito sa Oplan Tokhang noong 2016 at muling inilagay ng pulisya sa masusing surveillance nang bumalik siya sa kalakaran ng droga.

Isinagawa ang raid sa teritoryo ng magkapatid matapos magpalabas ng search warrant si Aparri RTC Presi­ding Judge Nicanor Pascual Jr.

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with