^

Probinsiya

Deputy chief of police todas sa tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Deputy chief of police todas sa tandem
Idineklarang dead-on-arrival sa Siliman Medical Center ang biktimang si Police Executive Master Sergeant Roldan Esmajer, 47-anyos, deputy chief ng San Jose Municipal Police Station (MPS) sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa tiyan, dibdib at balikat.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang deputy chief of police matapos na tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa national highway ng Brgy. Tapon Norte sa San Jose, Negros Oriental nitong Martes ng gabi.

 Idineklarang dead-on-arrival sa Siliman Medical Center ang biktimang si Police Executive Master Sergeant Roldan Esmajer, 47-anyos, deputy chief ng San Jose Municipal Police Station (MPS) sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa tiyan, dibdib at balikat.

 Ayon kay Police Col. Julian Entoma, director ng Negros Oriental Provincial Police Office, galing umano sa isang police operation sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima nang maisipan nitong umuwi muna sa kanilang tahanan sa halip na bumalik sa kanilang himpilan.

Lingid sa kaalaman ng biktima habang binabagtas nito ang highway ay binuntutan siya ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo.

Pagsapit sa lugar, agad dinikitan ng mga suspek saka pinaputukan ng angkas ng tatlong beses ang opisyal dakong alas-7 ng gabi na kanyang ikinabulagta.

DEPUTY CHIEF

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with