MAGUINDANAO, Philippines — Sumuko na sa mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang bagitong parak na kabilang sa mga pugante sa malagim na Maguinda-nao massacre na kumitil ng buhay ng 58 katao kabilang ang 32 mediamen noong Nobyembre 2009.
Batay sa ulat ni Regional Police chief Col. James Gulmatico kay PNP-CIDG Director Police Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang sumukong suspect na si PO1 Ysmael Ba-raquir.
Si Baraquir ay kabilang sa 80 na pugante ng batas na nahatulang guilty sa karumal-dumal na Maguindanao massacre na nangyari sa Ampatuan, Maguinda-nao mahigit isang dekada na ang nakalilipas.
Si Baraquir ay kabilang sa mga hinatulan sa multiple murder case sa ilalim ng inisyong warrant of arrest ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 22. Nasa talaan din siya ng mga Most Wanted Persons (MWPs) sa national level.
Magugunita na noong Disyembre 19, 2019, hinatulan ng guilty ni Solis ang mga akusado sa Maguindanao massacre sa pangunguna ng angkan ni da-ting ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na itinurong mastermind sa krimen.