Suspek sa Maguindanao massacre todas sa shootout, 1 pa nadakma
MANILA, Philippines — Isa sa mga suspect sa malagim na Maguindanao massacre ang napatay matapos na umano’y manlaban sa arresting team ng pulisya habang arestado ang kanyang kasamahan sa isinagawang dragnet operation sa Brgy. Timbangan, Sha-riff Aguak, Maguinda-nao kamakalawa.
Sa report ni Brig. Gen. Marni Marcos, Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kinilala ang napatay na si Edsrail Guiomla alyas “Nas Guiomla” matapos na kumasa at makipagbarilan sa mga operatiba. Nakilala naman ang nasakoteng kasamahan ni Guiomla na si Gambayan Kasim alyas “Lori Alip”, 47-anyos at residente sa nasabing bayan.
Sa ulat, alas-11 ng tanghali nang isagawa ng mga operatiba ang opeasyon laban kay Kasim sa Brgy. Timbangan ng nasabing bayan.
Ayon sa opisyal, ikinasa ang operasyon laban kay Kasim matapos na maispatan ng asset ng pulisya ang presensya nito sa lugar. Gayunman, papasok pa lang ang arresting team sa lugar ay agad umanong nagpa-putok ng baril si Guiomla na nauwi sa barilan sanhi upang siya ay bumulagta.
Nasukol naman si Kasim na hindi na nakapalag matapos arestu-hin ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan. Nakumpiska sa kanya ang isang granada habang nakuha mula sa katawan ni Guiomla ang isang cal .45 na baril at 13 sachet ng shabu.
- Latest