Ex-vice governor ng Sultan Kudarat utas sa ambush!

Kinilala ang nasawi na si Rolando “Rolly” Recinto, nasa hustong gulang, dati ring alkalde sa bayan ng Lambayong at ama ni Eric Recinto na kasalukuyang vice mayor ng nasabing bayan.
STAR/File

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang dating bise gobernador ng Sultan Kudarat makaraang tamba­ngan at pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins habang lulan ng kanyang sasakyan sa Brgy. Bilumen, Lambayong, Sul­tan Kudarat kahapon ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Rolando “Rolly” Recinto, nasa hustong gulang, dati ring alkalde sa bayan ng Lambayong at ama ni Eric Recinto na kasalukuyang vice mayor ng nasabing bayan.

Sa ulat, galing umano si Ex-Gov Recinto sa ba­yan ng Tacurong sa Sultan Kudarat at binabagtas ang highway pauwi ng Lambayong nang aba­ngan at pagbabarilin ng dalawang suspek bandang alas-2:00 ng hapon. Sakay si Recinto sa kanyang kulay­ berdeng Mitsubishi pick- up vehicle (LDF 237) nang siya ay tambangan. Isinugod pa siya ng mga rumes­pondeng pulis at sun­dalo sa ospital pero idi­neklara ng mga doktor na dead-on-arrival.

Show comments