Ex-vice governor ng Sultan Kudarat utas sa ambush!
NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang dating bise gobernador ng Sultan Kudarat makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins habang lulan ng kanyang sasakyan sa Brgy. Bilumen, Lambayong, Sultan Kudarat kahapon ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Rolando “Rolly” Recinto, nasa hustong gulang, dati ring alkalde sa bayan ng Lambayong at ama ni Eric Recinto na kasalukuyang vice mayor ng nasabing bayan.
Sa ulat, galing umano si Ex-Gov Recinto sa bayan ng Tacurong sa Sultan Kudarat at binabagtas ang highway pauwi ng Lambayong nang abangan at pagbabarilin ng dalawang suspek bandang alas-2:00 ng hapon. Sakay si Recinto sa kanyang kulay berdeng Mitsubishi pick- up vehicle (LDF 237) nang siya ay tambangan. Isinugod pa siya ng mga rumespondeng pulis at sundalo sa ospital pero idineklara ng mga doktor na dead-on-arrival.
- Latest