Mister nagbaril sa ulo sa harap ng madrasta

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kunsomisyon sa kinakasama at malaking pagkakautang ang umano’y nagtulak sa isang mister upang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa harapan mismo ng kanyang madrasta sa Brgy. Don Lorenzo Querubin, Caoayan, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ruperto Amano, 31, na patay na nang mairating ng mga sumaklolo sa Gabriela Silang General Hospital.

Sa report, dakong alas-8:15 ng umaga nang biglang inilabas ni Amano ang kanyang cal. 22 paltik na revolver saka walang alintanang binoga ang sarili sa ulo habang nakikipag-usap sa matanda na natalsikan pa ng dugo.

Show comments