LEGAZPI CITY, Philippines — Isang mag-ama ang patay matapos na puwersahang pasukin at pagbabarilin ng limang armadong lalaki na nakasuot ng bonnet sa kanilang bahay sa Brgy. Tambo, Libon, Albay kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga biktimang sina Reynaldo “Doy” Sordilla, 56-anyos at Glecy Boto Sordilla, 18-anyos, Grade-12 student.
Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang biglang pumasok ang limang armadong suspek at pinagbabaril ang mag-ama sa hindi pa malamang dahilan.
Agad nasawi ang mga biktima habang tumakas patungo sa hindi malamang direksyon ang mga suspek.
Nakuha ng mga pulis sa lugar ang ilang basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa pamamaril.