Sa harap ng mga kainuman sadistang kuya sinibak sa ulo!

Kinilala ni Police Lt. Colonel Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station ang napatay na si Jonathan Galutera, 37-anyos, habang naaresto ng mga nagrespondeng pulis ang kanyang kapatid na si Edmond, 34, na kapitbahay lamang nito.
File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Halos mabiyak ang ulo ng isang mapanakit na kuya matapos na sibakin ng itak ng mismong naka­babatang utol nito sa harap ng kanilang mga kainuman sa Brgy. Gappal, Cauayan City, Isabela kamakalawa. 

Kinilala ni Police Lt. Colonel Gerald Gamboa, hepe ng Cauayan City Police Station ang napatay na si Jonathan Galutera, 37-anyos, habang naaresto ng mga nagrespondeng pulis ang kanyang kapatid na si Edmond, 34, na kapitbahay lamang nito.

Ayon sa report, sa ka­sagsagan ng laklakan, sumiklab ang pagtatalo ng magkapatid nang binalaan ni Edmond si Jonathan sa ginagawa nitong pananakit sa kanyang mga anak na bata dahil sa kakulitan. Kumuha umano ng itak sa kanyang bahay si Edmond saka pinagtataga ang ulo ng kuyang si Jonathan na halos ikabiyak ng kalahati nito sa harap ng kanilang mga kainuman na natulala sa bilis ng pangyayari.

Sinampahan ng kasong murder ng awtoridad si Edmond na sising alipin sa nagawang krimen.

Show comments