Tiya nanlaban sa rape, inutas sa sakal

Sa report kay P/Major Joefersson Gannaban, hepe ng Abulug Police Station, dakong alas-9:00 ng umaga nang datnan ng mangingisdang si Mateo Balicao ang misis na si Rosalie na isa nang bangkay habang nakahilata sa kanilang kama, pag-uwi galing sa laot.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 39- anyos na misis na pinatay sa sakal nang manlaban sa pamangkin ng kanyang mister na nagtangkang gumahasa sa kanya sa Brgy. Siguiran, Abulug, Cagayan kamakalawa.

Sa report kay P/Major Joefersson Gannaban, hepe ng Abulug Police Station, dakong alas-9:00 ng umaga nang datnan ng mangingisdang si Mateo Balicao ang misis na si Rosalie na isa nang bangkay habang nakahilata sa kanilang kama, pag-uwi galing sa laot.

Ayon sa report, nagsisisigaw ng saklolo si Mateo sa mga kaanak upang subukang isalba ang misis sa ospital. Gayunman, napansin ni Kagawad Ambrocio Siddayao na isa sa mga kapwa niya nagsugod kay Rosalie sa ospital na si Angelito Ballinnan, 33, ay puno ng mga kalmot sa braso, mukha at katawan kaya nito isinuplong sa pulisya. 

Lumalabas sa paunang pagsisiyasat na namatay sa pananakal si Rosalie habang nagkumpisal sa mga awtoridad si Ballinnan na siya ang salarin subalit hindi nito nakuha ang pagkababae ng sariling tiyahin.

Sinabi ni Gannaban na isasailalim pa ang bangkay ni Rosalie sa post mortem exa-mination.

Show comments