2 pedestrian tigok sa bus, van
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patay agad ang dalawang lalaki na tumatawid lamang sa kalsada matapos na mabangga at masagasaan ng pampasaherong bus at van sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Quezon kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Quezon Police Director P/Col. Audie Madrideo, tumatawid sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Sto. Cristo, Sariaya si Zandrix Villanueva, 26-anyos nang mabangga dakong alas-3:20 ng madaling araw ng Alabang bound na De la Rosa Bus Liner (CAO-9991) na minamaneho ni Randy Burgos ng San Antonio, Quezon.
Samantala, tumilapon ng ilang metro matapos mabangga at nasagasaan pa ng Mitsubishi van ni Bonifacio Orgas ang 65-anyos na si Renato Lucila habang tumatawid sa highway ng Brgy. Mapagong sa Pagbilao dakong alas-3:30 ng madaling araw.
Kapwa nakapiit at sinampahan ng mga kaukulang kaso ang mga driver ng dalawang sasakyan na nasangkot sa aksidente.
- Latest