6 top most wanted, 6 pa nalambat
SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Anim na tinaguriang top most wanted persons ang nadakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar sa Cagayan Valley, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni P/Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-2 na nakabase sa Tuguegarao City, Cagayan ang mga most wanted persons na sina Richard Kenneth, Top 10 ng regional level at residente ng Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya; Robert Baniton, 33, Top 1 ng municipal level sa San Mariano, Isabela; John Cabalo, 28, Top 2 sa bayan ng Cordon; isang 16-anyos na itinago sa pangalang Angelo, Top 10 ng municipal level sa bayan ng San Mateo; Marilou Cureg, 53, Top 7 at Mario Cureg, 55, Top 8; kapwa sa bayan ng Sta. Maria, Isabela.
Kinilala ang iba pang mga naarestong wanted na sina William Tambio, 55, residente ng Sta. Ana, Cagayan; Reymark Maddalora, 30, ng Cabagan, Isabela; Antonette Barbosa, 52, ng San Felipe, Echague, Isabela; Elizabeth Miguel, 66, ng Muntinlupa, Metro Manila; Pacito Matias Jr., 51, Barangay Poblacion, Ambaguio, Nueva Vizcaya at Johnfrey Alluad, 37, ng Purok 1, Dagupan, San Mateo, Isabela.
Samantala, nasa 50 pang suspek na wanted sa buong Cagayan Valley ang nagpalipas ng kanilang Pasko sa iba’t ibang kulungan sa rehiyon matapos silang mahuli tatlong araw bago ang Pasko sa isinagawang malawakang “Oplan Pagtugis” ng mga Valley cops.
- Latest